top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

TAYMING ANG PANALO NG BATAAN, UMANGAT ANG VALENZUELA SA MPBL

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2019
1 min read

MALAPIT na sa nalalabing ilang laro sa MPBL Datu Cup, tuma-timing na ang kontensiyon ng Bataan Risers.

Martes ng hatinggabi, pinalawig pa ng Risers ang winning streak sa 6, tinigpas ang Mandaluyong El Tigre, 109-65 upang manatiling solo lider sa northern division ng torneo na itinaguyod ni Senador Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang nagsilbing commissioner.

Kasunod ng huli nilang panalo, pinag-ibayo ng Zetapro-backed Risers ang win-loss record sa 20-2 at nakatipon ng tikas laban sa pinakamahigpit nilang karibal sa torneo. Ang 44-point na kanilang lamang ang pinaka-lopsided win sa buong torneo ng MPBL. Bumida para sa Risers ay sina Gab Dagangon, Richard Escoto, Pamboy Raymundo at Byrin Villarias.

Ikalawang straight productive game ito ni Dagangon para sa Bataan nang umalagwa siya ng 15 puntos, ang parehong puntos ni Escoto. Sina Villarias at Raymundo ay may tig-12 puntos para sa Risers.

Bumanat ang Bataan sa board nang mang-iwan sa 58-34 kasunod ng determinadong pagi-iskor, umiskapo ng 60 puntos kumpara sa 38 ng karibal.

Ang pagkatalo ay naging kom­plikado para sa Mandaluyong na lu­magapak sa 11th spot matapos makopo ang ika-14 ng pagkatalo sa 22 laro.

Umangat ang Valenzuela nang talunin ang Bulacan, 84-75. Ang panalo ang siyang nagpaibayo sa win-loss record ng Classic sa 9-14 para sa 10th spot. Dagdagan na lang ang dasal na hindi lumampas sa 10-win ang marka ng Quezon City, Navotas at Pampanga. Tumapos si Chris de Chavez ng 17 puntos habang si Hans Thiele ay higit na naging produktibo ang laro sa naitalang 16 na marka. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page