Puso ni: DTMT
- BULGAR

- Feb 14, 2019
- 1 min read

Puso kong tumitibok para sa iyo,
sana naman ay pansinin mo.
Kung sakaling hindi mo gusto,
sabihin mo nang sa gayun ay makapaghanda ako.
Buwan ng Pag-ibig, kaya lubos kong ipadarama ang aking damdamin.
Kahit hadlangan pa tayo ng kapalaran, hindi magpapatalo
kahit kailan.
Ang nadarama ng aking puso, alam ko
na hindi biro.
Seryoso ang aking intensiyon para sa iyo
kaya sana ako ay respetuhin at mahalin mo.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments