Patay sa pekeng alak, 99 na
UMABOT na sa 99 ang nasawi matapos makainom ng nakalalasong alak sa India.
Batay sa tala, karamihan sa mga nasawi ay mula sa estado ng Uttar Pradesh at Uttarkhand kung saan maraming iba pa ang nagpapagaling sa mga ospital.
Ayon sa awtoridad, posible umanong nasobrahan ang inihalong methanol sa alak na nainom ng mga biktima, gayunman, nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka ang mga biktima.
Matatandaang, ilang indibidwal ang inaresto dahil sa pagbebenta ng nakalalasong inumin.





Comments