top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pahiwatig na huwag maging negatibo, reklamador at magpatalo sa lungkot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Strawbz ng Strawbz_Fieldsforevz@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako na nasa bahay daw ako ng babaeng Chinese, tapos, may babae siyang kausap, ang sabi niya sa babae, masuwerte raw ang mga anak na maganda. Sa isip ko, paano ‘yan, eh, hindi ako maganda, ibig sabihin ba nito ay hindi ako masuwerte? Maraming salamat!

Naghihintay, Strawbz

Sa iyo Strawbz, Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pananaw ng mga Pilipino, lalo na sa usaping pisikal na hitsura.

Paano ba masasabing maganda ang tao? ‘Ika nga, “beauty is in the eyes of the beholder”, kumbaga, ang ganda ay nakabase sa mga matang tumitingin. Ibig sabihin, hindi tayo pare-pareho ng panlasa.

Sa ganitong katotohanan, makikitang hindi lumiligaya ang tao dahil sa kanyang mga mata, siya ay hindi maganda, pero hindi niya alam na may mga taong maganda ang tingin sa kanya, gayundin, huwag mong kalilimutan ang kasabihan na “there is always a beauty in every creation of God”.

Kaya bakit sasabihin mo na hindi ka masuwerte dahil hindi ka maganda?

Ito mismo ang sinasabi ng Chinese sa kausap niyang babae na ang suwerte ay hindi maibabase sa simple o sobrang kagandahan.

Samantala, ayon sa katotohanan sa mundo, hindi magiging maganda ang tao kung may lungkot siyang nadarama. Maraming ganito lalo na sa ating mga Pilipino kung saan kung sino ang maganda, sila pa ang nabubuhay sa kalungkutan at mga bigo sa love life.

Tulad ng nasabi na, ang lahat ay may kagandahang angkin o taglay, pero hindi lahat ay may masayahing personalidad.

Kaya ang payo sa iyo ng panaginip mo, lagyan mo ng saya ang buhay mo at huwag kang maging negatibo, reklamador at magpatalo sa lungkot.

Ganito ang sabi ng Diyos: “May daan na sa tingin natin ay maganda at madaling lakaran, pero ang dulo ay kapighatian.”

Pakinggan mo ang Diyos dahil Siya ang nagsasabi ng katotohanan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page