Oh, my! Nanay ko po! BAGUHANG SUMISIKAT NA AKTRES, MAY AMNESIA, LAGING NAG-I-INTERVIEW SA KANYA, AK

Blind Item:
MEDYO nagtataka lang ang ilang entertainment press sa isang biglang sikat na baguhang aktres dahil ang hirap niyang makatanda ng mukha at pangalan ng mga reporters na ipinakikilala sa kanya.
Kahit 3-4 na beses na niyang na-meet ang mga reporters, hindi niya ma-gets at matandaan ang pangalan at mukha. Bata pa naman siya at hindi masasabing may memory loss na.
In fact, ang galing-galing nga niyang magmemorya ng mahahabang dialogues sa serye, kung saan isa siya sa mga lead cast. Minsan, nasalubong siya ng isang reporter at binati, pero akala niya ay isa lang ito sa mga fans na humahanga sa kanya.
Mabait at approachable naman ang baguhang aktres, pero mukhang hindi nag-e-effort na makatanda ng mga reporters. Kung hirap siyang maalala ang pangalan, siguro naman, matatandaan niya ang mukha ng mga nag-i-interview sa kanya.
Pasalamat na lang ang baguhang aktres na hindi siya pine-personal at tinatarayan ng mga press people. Hindi naman sa nagpapaimportansiya ang mga entertainment writers, pero masarap sa feeling naming mga manunulat na kilala kahit paano ng mga artistang isinusulat namin. Maliit na bagay lang naman ‘yun kung tutuusin!





Comments