Mag-utol timbog sa droga
PANGASINAN—Nadakip ng mga awtoridad ang mag-utol na supplier ng droga, kamakalawa sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Nakilala ang magkapatid na suspek na kapwa nakumpiskahan ng ilang gramo ng shabu na sina Jolito at Jibson Largo, kapwa nakatira sa naturang lalawigan.
Nabatid na si Jolito ay nadakip sa Bgy. Poblacion, San Fabian, samantalang, si Jibson ay naaresto sa Bgy. Bonuan, Dagupan City.
Nakapiit na ang magkapatid na suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments