Komedyante, sobrang lungkot… EMPOY, PAREHONG INIWAN NG MGA BFF NA SINA BENTONG AT TADO
- BULGAR

- Feb 14, 2019
- 1 min read

MISMONG si Empoy Marquez ang nagkumpirmang tuloy na tuloy ang balik-tambalan nila ni Alessandra de Rossi, pero ‘secret’ pa raw ang title ng movie.
Ang Spring Films pa rin na producer ng box office hit na Kita Kita ang producer ng reunion movie nila ni Alex na may mga eksenang kukunan abroad.
May bago ring seryeng gagawin si Empoy sa ABS-CBN at bahagi pa rin siya ng sitcom na Home Sweetie Home. Ang Cornerstone ni Erickson Raymundo ang nagma-manage ng career ngayon ni Empoy. One year siyang nasa pagma-manage ni Ogie Alcasid na A-Team bago napunta kay Erickson.
Samantala, career at hindi love life ang priority ngayon ni Empoy. May negosyo siyang binuksan sa bayan nila sa Baliuag, Bulacan, ang Throwback 90’s Café. Ipinagpatayo rin niya ng water refilling station ang kanyang nanay at nagde-deliver din sila ng merienda, na ang tatay naman niya ang namamahala.
Matagal na sa showbiz si Empoy bago siya nabigyan ng break sa pelikula. Sumikat siya nang husto after the box office success of Kita Kita. Naging close friends niya noon sina Bentong at Tado, kaya labis na ikinalungkot ni Empoy ang pagkamatay ng comedian na si Bentong. Una na ring namatay si Tado dahil sa aksidente.




Comments