top of page
Pokwang.jpg

Kelot dedbol sa 2 armado

Pabs Hernandez III
Feb 14, 2019
1 min read

MASBATE—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng dalawang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Cabitan, Mandaon sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Feliciano Olado, residente ng nabanggit na barangay.

Kinilala naman ng misis ni Olado ang isa sa mga suspek na si Ruel Relano, nakatira rin sa nasabing barangay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa krimen at nagpalabas na rin ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page