I do, I do, Araw ng PAG-IBIG 2019
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Sino ba naman ang hindi gustong maikasal sa kanilang pinakamamahal so romantic, ‘di ba? Lalo na kung ang mismong kasal nila ay tatapat ngayong Araw ng mga Puso kasama ang ilan pang couple sa iba’t ibang lugar! Sabi nga, the more, the merrier!
Ganyan ipagdiwang ng Pag-IBIG Fund ang Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng kasalang bayan o “I do, I do! Araw ng PAG-IBIG”. At ngayong araw, halos 1,500 couples ang sabay-sabay na ikakasal sa 13 venues, nationwide! Ang mga lugar na ito ay sa Pasay City, Mandaue City, Davao City, Ilocos Sur, Cagayan Valley, Tarlac, Bulacan, Palawan, Bicol, Antique, Iligan City, General Santos City at Zamboanga City.
Mula 2012, halos 20,297 Filipino couples na ang naikasal ng Pag-IBIG Fund. Dahil sabi nga na ang pag-ibig ang magsilbing tulay para magkasama-sama ng matatag ang buong pamilya. Nabanggit ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na hindi lang ang pagpapakasal ang kanilang maibibigay sa magsisimulang pamilya kundi pati na rin ang benepisyong hatid nila tulad na lamang ng pagkakaroon ng pinapangarap na tahanan.
Dahil sa successful ang programang ito, pinarangalan ito ng 1st Philippine Quill for a Government Communication Program mula sa International Association of Business Communicators (IABC) Philippines noong 2013. Nakuha rin nito ang Bronze Award for Avocacy Communications under sa category ng Responsible Parenthood sa Araw Values Award. Hindi lang ‘yan, naipalabas din ito sa Philippine Book of Records dahil sa pinakamaraming bilang ng ikinakasal, nationwide noong 2014.
Para sa couples na kasamang ikinakasal ngayong araw, nationwide, congratulations and best wishes!
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments