top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Abandonadong bahay nasunog

  • Pabs Hernandez III
  • Feb 14, 2019
  • 1 min read

PANGASINAN—Isang abandonadong bahay ang nasunog, kamakalawa sa Bgy. Poblacion West, Calasiao sa lalawigang ito.

Ayon sa mga residente, biglang sumiklab ang apoy sa naturang bahay kaya humingi sila ng saklolo sa mga bumbero at makalipas ang ilang oras ay naapula ang apoy.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog upang malaman kung sinadya itong sunugin dahil matagal na umanong walang gumaganang kuryente sa nasabing abandondong bahay.

Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naturang sunog.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page