‘Ika nga nila, past is past, besh! MGA PARAAN PARA MAKALIMUTAN SI EX
- Jersey Sanchez
- Feb 14, 2019
- 3 min read
No Problem

ALAM nating lahat na ang pagmu-move on sa natapos na relasyon ay hindi madali kaya kung minsan, eh, napapatagal ang proseso nito dahil nagagawa natin ang mga bagay na hindi dapat gawin. Pero, anu-ano ba ang mga bagay na ito? Kung nais ninyong malaman, narito na ang sampung bagay na dapat ninyong iwasang gawin:
1. DON’T BEG FOR ANOTHER CHANCE. Natural lang na ma-miss mo si ex, pero hindi ito dahilan para humingi ka ng isa pang chance, lodi! Ayon sa mga eksperto, parte ng pagmu-move on ang hindi na pagsubok na ayusin pa ang nasirang relasyon. Sad but true!
2. DON’T CALL OR TEXT. Posible ito, beshy! Hindi ka na dapat magkaroon ng contact sa iyong ex sa loob ng 30 days. Sa pagdaan ng mga araw, unti-unti itong dagdagan hanggang sa tuluyan mo na siyang makalimutan dahil putol na ang inyong komunikasyon. Copy?
3. DON’T DATE THE NEXT PERSON YOU MEET. Wala namang masama kung makikipagkilala ka sa mga bagong tao. Pero beshy, huwag ka munang makikipag-date habang nagmu-move on ka, ha? Mas mabuting mabuo mo muna ang iyong sarili bago ka muling pumasok sa panibagong relasyon.
4. DON’T AVOID THE PAIN. Pagkatapos ng break-up, may ilang indibidwal na pinipilit na magpakasaya nang sa gayun ay pansamantalang matakasan ang lungkot na kanilang nadarama. Pero, sey ng experts, mas mabuting maranasan ang sakit kaysa takasan ito dahil ang pagdanas ng sakit ang unang proseso ng pagmu-move on. Woah!
5. DON’T HURT YOURSELF. Dahil wala nang ibang magke-care sa iyo bukod sa pamilya at mga kaibigan mo, maging mabuti ka sa sarili mo, beshy! Sabi nga nila, mahalin mo muna ang iyong sarili nang sa gayun ay mahalin ka rin ng ibang tao. Okie?
6. DON’T STAY AT HOME. May iba riyan na mas pinipiling mamalagi sa bahay at umaasang tatawag o magte-text pa si ex. Mas mabuti na panatilihing busy ang iyong sarili upang mawala sa iyong isipan si ex. Gayundin, mainam umano na magkaroon ka ng tatlo hanggang limang bagay na dapat pagkaabalahan sa bawat araw.
7. DON’T LOSE SIGHT OF WHO YOU ARE. Habang nagmu-move on ka, magandang pagkakataon ito para lalo mo pang kilalanin ang iyong sarili nang walang karelasyon. Puwede kang mag-enroll sa baking, painting o swimming class. Simpleng bagay lang ito para sa iba, pero posibleng mas makilala mo ang iyong sarili sa mga bagay na ito.
8. DON’T SEEK REVENGE. No, no, no ito, beshy! Bagama’t, nasaktan ka, hindi ito rason para manakit ka ng iyong kapwa. Dehins maganda kung itsitsismis mo ang hindi magagandang pag-uugali o mga nagawa ni ex nu’ng kayo pa dahil aminin mo man o hindi, eh, minahal mo rin siya.
9. DON’T STALK HIM/HER ON SOCIAL MEDIA. I-unfollow o i-block mo na si ex sa lahat ng social media accounts niya. ‘Ika nga nila, hindi ka makamu-move on sa nakaraan kung patuloy kang makakikita ng updates mula sa kanya.
10. DON’T KEEP REMINDERS AROUND. Masakit mang isipin, pero kailangan mo itong gawin. Hu-hu-hu! It’s time para alisin sa iyong bahay o kuwarto ang mga gamit na magpapaalala sa inyong relasyon, gayundin, ang pagbubura ng mga picture ninyo sa iyong social media accounts. Keri mo ‘yan, beshy!
Ngayong alam na natin ang mga bagay na hindi natin dapat gawin habang nagmu-move on, make sure na iiwasan na natin ito, ha? 2019 na kaya bawal na ang maging marupok. Ha-ha-ha! Joke lang! Move on wisely!
Copy?
Comments