Para sa mga beshy natin diyan na sure na bibigyan ng flowers ngayong Valentine‘s Day, read n‘yo ‘to!
- BULGAR

- Feb 13, 2019
- 3 min read

SHOUTOUT sa mga beshy natin diyan na siguradong makatatanggap ng mga bulaklak mula sa kanilang dyowa o tagahanga. ‘Yun, oh! Siyempre, dahil mula ito sa inyong special someone, tiyak na gusto mong tumagal ang buhay nito, pero, paano? Don’t worry dahil narito ang iba’t ibang paraan kung paano mapananatiling fresh ang matatanggap ninyong mga bulaklak ngayong Araw ng mga Puso:
1. SODA. Hindi lang ito basta inumin, beshy! Kung may natira kayong soda sa inyong date night, maglagay lamang ng ¼ cup nito sa vase na may tubig. Ayon sa mga eksperto, ang sugar na mayroon ang soda ay nakatutulong upang humaba ang buhay ng mga bulaklak. Gayunman, kung clear ang vase na iyong gagamitin, mas mabuting gumamit ka rin ng clear na soda.
2. HAIR SPRAY. Nakatutulong ito para ma-preserve ang iyong hairstyle, beshy, pero knows ba ninyong puwede rin ito sa mga bulaklak dahil kering mapanatili ng hair spray ang pagiging fresh nito? Upang gamitin ito, i-spray lamang sa ibabang bahagi ng mga bulaklak. Easy lang, ‘di ba?
3. APPLE CIDER VINEGAR. Kilala ito bilang home remedy sa iba’t ibang sakit, pero keri rin itong gamitin para tumagal ang buhay ng mga bulaklak. Paghaluin lamang ang 2 tbsps ng apple cider vinegar at asukal sa vase na may tubig. Siguraduhin ding napapalitan ang solution pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong araw upang ma-enhance ang buhay ng mga bulaklak.
4. VODKA. Ayon sa mga eksperto, pagbabawas sa dami ng bakterya sa tubig ang paraan upang mapanatiling maganda ang mga bulaklak, gayundin ang pagbibigay ng nourishment dito. Para magamit ang vodka, maglagay ng ilang patak nito at 1 teaspoon ng asukal. Sa ganitong paraan, ang antibacterial action ng vodka ay makatutulong upang hindi dumami ang bakterya sa tubig kung saan ilalagay ang bulaklak. Gayunman, upang maiwasan ang pagdami nito, palitan ang mixture ng vodka, asukal at tubig kada dalawang araw.
5. ASPIRIN. Ito umano ang pinakasikat na paraan pagdating sa pagpapatagal sa buhay ng mga bulaklak. Maglagay lamang ng durog na aspirin sa tubig bago tuluyang ilagay ang mga bulaklak sa vase. Gayundin, palitan ang tubig pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong araw. Okie?
6. BLEACH. Puwede itong gamitin sa pamamagitan ng dalawang paraan, lodi! Una, maglagay ng ¼ teaspoon ng bleach sa kada 1 litro ng tubig. Pangalawa, ihalo ang tatlong patak ng bleach at 1 teaspoon ng asukal sa 1 litrong tubig. Sa ganitong mga paraan, maiiwasan ang paglabo ng tubig at pagdami ng bakterya sa vase.
7. COINS. Oo, beshy! Ilagay lamang ang barya at sugar cube sa vase na may tubig bago tuluyang ilagay dito ang mga bulaklak. Ayon sa mga eksperto, ang copper mula sa barya ay nagsisilbing acidifier kung saan nakatutulong ito upang hindi dumami ang bakterya sa tubig. Wow!
8. SUGAR. Keri rin itong gamitin bilang preservative upang mapanatiling fresh ang mga bulaklak. Upang gawin ito, tunawin lamang ang 3 tbsps ng asukal at 2 tbsps ng puting suka sa isang litro ng tubig. Ang asukal ang nagsisilbing pagkain ng mga bulaklak habang ang suka ay nakatutulong upang hindi dumami ang bakterya rito.
Sobrang easy lang, ‘di ba? Kaya say no more sa mabilis na pagkasira ng mga bulaklak na inyong matatanggap ngayong Araw ng mga Puso dahil may solusyon na para rito.
Make sure lang na mapapalitan ninyo ang mga solution sa vase, ha?
Have a happy heart’s day! Hi-hi-hi!




Comments