Magsyotang tulak, tiklo
Pabs Hernandez III
Feb 13, 2019
1 min read
TUGUEGARAO CITY—Dinakip ng mga awtoridad ang magkasintahang drug pusher, kamakalawa sa Bgy. Atulayan Norte sa lungsod na ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Mohamar Regaro at Heide Yoman, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 22 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang magkasintahan na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments