top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

GEORGE AT WESTBROOK, NAGTULONG VS. BLAZERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2019
1 min read

HUMALIBAS si Paul George ng 47-point triple-double habang si Russell Westbrook ay nagtala ng NBA record para sa ilang sunod na triple-doubles nang manaig ang Oklahoma City Thunder sa bisitang Portland Trail Blazers 120-111 sa NBA game kahapon.

Ang tres puntos ni George ay ginawa sa loob lamang ng 3:52 at naitalang ika-10 assist niya kay West­brook, na gumawa rin ng ika-10 sunod na triple-double. Tumapos si Westbrook na may 21 points, 14 rebounds at 11 assists.

Sa NBA history, sina Westbrook at Wilt Chamberlain ang mga tanging players na may siyam na sunod na triple-doubles. Nai­re­kord ni Chamberlain ang marka noong 1968.

Sa iba pang laban, nagba­lik si Giannis Antetokoun­mpo mula sa one-game rest para sa game-high 29 points at pangunahan ang Milwaukee Bucks sa 112-99 victory kontra Chicago Bulls sa Chicago.

Ang panalo ang ikat­long diretso ng Bucks kontra Bulls ngayong season mata­pos na kabigin ng Milwaukee ang 19 na puntos sa bisa ng tress sa sariling balwarte noong Nobyembre.

Nakaresbak si Anteto­kounmpo mula sa 103-83 na pagkatalo sa Orlando.

Nagbalik siya na hawak ang ika-5 straight game sa bisa ng 29 puntos at naka-average siya ng 33.6 puntos kada game.

Samantala, bagamat ma­sakit pa ang kaliwang balikat, nakagawa si James Harden ng magkakasunod na 30-point games nang talunin ng host Houston Rockets ang Dallas Mavericks, 120-104.

Tumapos si Harden ng game-high 31 points sa bisa ng 8 rebounds, 7 assists at 5 steals. Umasa ang Rockets sa tulong ni guard Gerald Green na nakabasket ng 19 puntos sa loob ng 22 minuto sa bisa ng limang tres puntos. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page