Bigtime pusher todas sa shootout
Pabs Hernandez III
Feb 13, 2019
1 min read
CAMARINES NORTE—Isang bigtime drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Bagumbayan, Paracale sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Tetsuo Suda, residente ng Mambalite, Daet sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Suda na mga pulis ang katransaksiyon nito sa bentahan ng shabu kaya agad nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng putok kaya napatay ang suspek.





Comments