Super proud, Alden… ARJO, IPINOST ANG LOVING-LOVING NILA NI MAINE SA TATE
- BULGAR

- Feb 12, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA Instagram Story ni Arjo Atayde kahapon (February 11) ay ipinakita niya ang pagde-date nila ni Maine Mendoza sa America, kung saan ay makikitang ngiting-ngiti si Yaya Dub, at nilagyan pa niya ng caption na: “Save the best stop for last.”
Parehong nasa America ang dalawa dahil dumalo si Maine sa ilang events ng kanyang ineendorsong international makeup brand, samantalang kasama naman si Arjo sa concert ni Maja Salvador sa Virginia, USA noong February 9.
Hindi alam kung saan ang eksaktong lugar ng pagkikita ng dalawa, pero lumalabas naman na unti-unti na silang nagiging open sa kanilang relationship sa kabila ng pambabatikos na nakukuha nila mula sa ilang AlDub fans na kontra sa kanilang relasyon.





Comments