PINAKAPETMALU NA GRAND CHESS TOUR, RARATSADAHIN NI GM SO

MULING napabilang ang Pinoy Grandmaster na si Wesley So sa elite pawnpushers na kuwalipikado para lumahok sa lalo pang pinalupit na Grand Chess Tour o GCT na ngayon ay gaganapin na sa iba’t-ibang parte ng daigdig.
Apat na kategorya ang pinagbasehan ng mga organizers ng GCT para sa pagbuo ng mga kalahok sa 2019 na tour: 1) unang tatlong finishers ng 2018 GCT, 2) top 4 sa Universal Rating System (URS) list; 3) unang apat na woodpushers base sa average FIDE rating simula Pebrero 2018 hanggang Enero 2019; at 4) nominado ng GCT Advisory Board.
Sa pangatlong kategorya nakuha ng 25-anyos na si So at dating Philippine chess king ang kanyang upuan sa 2019 GCT kasama si dating world champion at Indian GM Vishwanathan Anand at GM Amish Giri ng Netherlands.
Kasama rin sa mga nag-qualify sina GM Hikaru Nakamura (USA), GM Maxime Vachier Lagrave (France) at GM Fabiano Caruana (USA) dahil sa pagpasok sa podium noong 2018 GCT; ang kasalukuyang pinakamalupit na chesser sa buong mundo (standard, rapid at blitz chess) na si Norwegian GM Magnus Carlsen, GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan, Chinese GM Ding Liren at FIDE World Cup king GM Levon Aronian ng Armenia na kabilang sa top 4 chessers sa URS roster; at si GCT Advisory Board choice na si Russian GM Ian Nepomniachtchi.
Ang mga bakbakan ay gaganapin sa Abidjan, Cote d’ Ivoire (Rapid & Blitz, Mayo 6-13); Zagreb, Croatia (Classical, Hunyo 24 - Hulyo 9); Paris, France (Rapid & Blitz, Hulyo 26-Agosto 2); Saint Louis, Missouri, USA (Rapid & Blitz, Agosto 8-15 at Classical, Agosto 15-30); Bucharest, Romania (Nobyembre 4-11) at Kolkata, India (Rapid & Blitz, Nobyembre 20- 27).





Checking land records online through Apna Khata Rajasthan is very easy. The interface guides you step by step, and you can quickly find ownership and Jamabandi details. It’s a perfect example of how technology can make government services accessible to everyone, even in remote areas.