top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pinagsasabong ng mga fans… KYLINE AT BIANCA, BAGONG MARIAN AT HEART NG SIYETE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2019
1 min read


SINA Kyline Alcantara at Bianca Umali pala ang sinasabing bagong Marian Rivera at Heart Evangelista ng Kapuso Network.

Teka lang, ‘di sila nag-aaway, ‘no! Pero may ilang kampo ang tipong pinagsa­sabong sila dahil napansin na sila ang dalawa sa mga most favorite stars ngayon ng GMA-7.

Si Kyline, bida sa bagong Afternoon Prime series na Inagaw na Bituin kung saan kasama niyang bida rin si Therese Malvar.

Si Bianca naman, bibida sa Sahaya kung saan katambal nito si Miguel Tan­felix na nali-link n­a­man kay Kyline.

So, ang dalawang young Kapuso actresses daw ang bagong hene­rasyon ng Marian at Heart ng network.

Well, agree naman kaya sina Marian at Heart na sina Kyline at Bianca ang sumusunod sa kani­lang yapak?

Star-studded ang cast ng Inagaw na Bituin at tampok dito ang kakai­bang kuwento ng pamilya na pagbubu­k­lurin ng mu­­sika.

Makakasama nina Ky­­­line at Therese sa Kapuso musical drama series sina Sunshine Dizon, Angeli­ka dela Cruz, Marvin Agus­­tin, Angelu de Leon at Gabby Eigenmann.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page