PEREZ NG JAPAN, OVERALL LEADER PA RIN SA RONDA PILIPINAS STAGE 4


ROXAS CITY— Hawak pa rin ni Tour de France veteran Francisco Mancebo Perez ng Matrix Powertag Japan ang overall lead matapos ang Stage Four kahapon sa LBC Ronda Pilipinas 2019 na nagsimula at natapos sa El Pueblo grounds.
Sinabayan lang ni Mancebo, 42, si defending champion Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance at Dominic Perez ng 7Eleven Cliqq-Air 21 upang mapanatili ang Red Jersey sa kanya.Nakilala si Mancebo ng pumang-apat ito sa Tour de France noong 2005, may nirehistro siyang 16:01:21 para hawakan ang individual general classification lead. Lamang si Mancebo ng 3:52 kay Oranza at 3:55 kay Perez. Nasa top 10 sa GC sina Navy rider Jan Paul Morales (4:35 behind), Sano Junya (4:53) ng Matrix, Korail Korea cyclist Joo DaeYeong (4:58), Irish Valenzuela (5:20) ng 7Eleven, Mark Julius Bordeos (5:20) ng Army-Bicycology, at 7Eleven bets Rustom Lim at Arjay Peralta (6:13).
Si Peralto ang may magandang ipinakita sa Stage 4, tumapos ng third sa unang dalawang intermediate sprints at pangalawa sa stage mountain classification kaya mula sa No. 17 ay umakyat siya sa top 10.
Naungusan ni Peralta ang teammate na si Marcelo Felipe na sumemplang sa No. 13. Wala ng ibang iisipin si Mancebo kundi ang alagaan ang kanyang lamang paglarga ng 148.9km 5th at last stage ngayong araw, magsisimula sa Roxas City at magtatapos sa Pandan, Antique. “The last stage will be like today, everybody will want to take the red jersey from me,” saad ni Stage 1 winner Mancebo. (ATD)





Comments