top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit paulit-ulit nang pinerahan… VICE, UTU-UTO PA RIN, TODO-BIGAY SA MGA LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2019
  • 1 min read

SIKAT na sikat man at kumikita nang milyones sa kanyang mga shows, concerts, pelikula at product endorsements si Vice Ganda, hindi naman kumpleto ang kanyang kaligayahan. Laging may kulang sa kanyang buhay. Hindi kasi suwerte sa kanyang love life si Vice Ganda. Lagi siyang iniiwan ng lalaking nakakarelasyon niya. At mada­las, nagagamit pa ang comedian-TV host ng mga lalaking nauugnay sa kanya.

Mistulang sugar mommy at DOM na nga siya na todo-regalo ng mamahaling stuff sa guy, pero ang ending, iniiwan pa rin siya at hindi maidispley ng karelasyon sa publiko. Kaya durog na durog ang puso ni Vice Ganda sa bawat pakikipaghiwalay niya.

Wala siyang kadala-dala sa mga kabiguan niya sa pag-ibig. Hindi na siya natuto, hindi na niya pinaiiral ang utak sa larangan ng pakikipagrelasyon. Hindi niya ma­tanggap ang katotohanang walang lalaking magse­seryoso sa kanya at iibig nang totoong-totoo.

Hindi kayang bilhin ng milyones niya ang true love. Laging panandalian at hindi pang-forever ang natatagpuan niyang pag-ibig.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page