Infrastructure projects ng gobyerno, dapat mabilis at pulido


BUILD… build… build pa more! Sabay-sabay ang mga proyekto ng gobyerno ngayon mula sa mga kalsada, tulay, gusali at iba pa.
Kaugnay nito, naglabas ng kautusan ang Palasyo para sa mabilis na pagtapos sa mga infrastructure project ng pamahalaan.
Sa ilalim ng Memorandum Circular 57 na inilabas noong February 7 ni Executive Sec. Salvador Medialdea, lahat ng mga pinuno, opisyal at kawani ng departments, bureaus, government-owned and controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges at local government units ay dapat sumunod sa mga ilalabas na polisiya kaugnay sa mga government infrastructure project.
Kailangang sundin ang timetable, partikular sa mga infra project, ang hindi makasusunod, mahaharap sa kaso o parusa.
Samantala, ang Department of Public Works and Highways, bilang chair of the Cabinet Infrastructure Cluster, ang siyang mangunguna sa pagtiyak na matatapos sa takdang-oras ang mga proyekto ng gobyerno.
Kailangang agad na magamit ng sambayanan ang mga proyektong pinondohan sa ilalim ng Build Build Build Project sa susunod na limang taon.
Matatandaang, pinondohan ito ng $158 billion na huhugutin mula sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Kaya walang dahilan para ito maantala at higit sa lahat, hindi ito dapat pumalpak.





Comments