Helicopter bumagsak 3 patay
Jersey Sanchez
Feb 12, 2019
1 min read
TATLO katao ang nasawi habang sugatan ang 10 iba pa nang bumagsak ang Ethiopian military helicopter sa loob ng United Nations compound sa disputed Abyei Region sa pagitan ng Sudan at South Sudan.
Ayon sa pahayag, sinabi ng United Nations na ang naturang helicopter ay may 23 pasahero nang bumagsak sa UN Interim Security Force Abyei (UNISFA).
Napag-alaman na ang sakay ng MI-8 helicopter ay pawang Ethiopian troops mula sa Kadulgi, Sudan.





Comments