top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gimik pa more! LIZQUEN, TAKOT LANGAWIN ANG MOVIE, BIGLANG UMAMING 2 YRS. NANG MAGDYOWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

SA Gandang Gabi Vice nu’ng Linggo nang gabi ay umamin na sina Liza Soberano at Enrique Gil hinggil sa tunay nilang relasyon. Nabiktima kasi ang celebrity couple ng lie detector test.

Knowing Vice, hindi siya titigil hangga’t hindi nag­sasabi nang totoo ang LizQuen kaya’t idinaan ng GGV host sa lie detector test ang pagpapaamin sa dalawa.

Si Enrique ang unang nagtanong kay Liza kung sila na nga ba forever. Mabilis ang sagot ng actress ng “Yes.” Hindi nakuryente si Liza.

Tanong naman ni Vice kay Enrique, “Kayo na ba?” at yes agad ang sagot ng aktor.

Inamin pa ni Liza na matagal na sila ni Enrique. Mahigit dalawang taon na. October, 2016 nang maging officially on sila.

Marunong din namang tumay­ming ang celebrity couple sa real score ng kanilang relationship. Para mapag-usapan ang pelikula na Alone/Together ay inilabas nila ang katotohanan ng kanilang relasyon.

Sabagay, kailangan talagang mag-ingay sa promo ng LizQuen dahil nitong mga nakaraang araw, ang lahat ng pelikulang Pinoy na ipinalabas ay puro flop. Even ang movie ni Robin Padilla na Bato ay nilangaw daw sa takilya.

Sa pag-amin ng LizQuen sa tunay nilang relasyon, makatulong kaya ito sa kanilang pelikula na ipalalabas na sa Feb. 13? Makalusot kaya sila sa dilemma ng industriya?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page