Drug dealer todas sa shootout
- Pabs Hernandez III
- Feb 12, 2019
- 1 min read
CEBU—Isang drug dealer ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Cogon, Tuburan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Gembe Cases, nakatira sa naturang bayan.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Cases, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments