Dahil sa ‘polar bear invasion’ | EMERGENCY SITUATION, IDINEKLARA SA RUSSIA
NAGDEKLARA ng emergency situation ang isang Arctic Archipelago sa bahagi ng Russia dahil sa umano’y pananalakay ng mga agresibong polar bear na pumapasok sa mga gusali at kabahayan.
Ayon sa Novaya Zemlya Archipelago, may 3,000 katao ang umaapela ng tulong para resolbahin ang “mass invasion of polar bears into inhabited areas”.
Gayunman, ayon sa awtoridad, hindi pinahihintulutan ang pamamaril sa mga polar bear ngunit, nagpadala na sila ng komisyon na mag-iimbestiga sa sitwasyon.
Napag-alaman na biktima ng global warming ang polar bears dahil sa pagkatunaw ng mga yelo sa Arctic Region dahilan para manatili ang mga ito sa kalupaan para maghanap ng pagkain.
Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang pangangaso sa mga ito dahil kinilala bilang endangered species ang polar bears sa bansa.





Comments