College student na nanghihinayang sa pera kaya dehins magawang mag-shift ng course

Dear Roma,
Ako si Farrah, 20 years old at college student. Gusto kong humingi ng payo sa inyo tungkol sa problema ko. Ganito kasi 'yun, second year college na ako, pero ngayon ko lang napagtanto na ang kursong kinuha ko ay hindi ko pala talaga gusto. Balak ko sanang mag-shift ng course, kaya lang, nahihiya akong sabihin ito sa mga magulang ko dahil hindi naman kami mayaman at alam kong manghihinayang sila sa mga nagastos nila. Ano ang maipapayo ninyo sa akin? Maraming salamat! — Farrah
Farrah,
Alam mo, iha, kung gusto mo talagang mag-shift ng course, ang maipapayo namin sa’yo, eh, ipaalam mo na ito kaagad sa mga magulang mo. Talagang manghihinayang sila sa mga nagastos nila, pero hindi ba mas malaki ang magagastos nila kung ipagpapatuloy mo ang kurso na hindi mo naman gusto? Sa ngayon, subukan mong kausapin ang mga magulang mo tungkol dito, wala namang masama kung susubukan mo. Good luck sa’yo at God bless!





Comments