Batang lalaki tepok sa trak

ALBAY—Isang 9-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga at masagasaan ng trak, kamakalawa sa Bgy. Tabiguian, Tabaco City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Ivan Loyola, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Michael Aspe kaya nabangga at nasagasaan nito ang tumatawid na biktima.
Dinala ng mga saksi si Loyola sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Aspe.





Comments