top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

40-k bahay sa Australia, walang suplay ng kuryente

Jersey Sanchez
Feb 12, 2019
1 min read

LIBU-LIBONG kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos ang malakas na ulan sa Sydney, Australia, kamakalawa.

Batay sa tala, aabot sa 60 millimeters ang rainfall sa naturang lungsod noong Biyernes.

Gayunman, nalubog sa baha ang mga sasakyan at naantala rin ang national football match.

Ayon sa awtoridad, 40,000 bahay ang nawalan ng suplay ng kuryente, gayundin ang operasyon ng ilang linya ng tren.

Ang malakas na pag-ulan sa Sydney ay sa kabila ng nagpapatuloy na recovery efforts sa binahang State of Queensland.

Matatandaang, inilikas ang daan-daang mamamayan sa naturang lugar dahil sa malakas na pag-ulan noong nakaraang linggo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page