top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

39 nalason sa alak, todas

Jersey Sanchez
Feb 12, 2019
1 min read

NASAWI ang 39 katao habang 27 ang nagkasakit sa magkahiwalay na insidente ng pag-inom ng mura at pekeng alak sa Northern India.

Ayon kay Senior Police Officer Ashok Kumar, ang 26 na nasawi ay mula sa Uttar Pradesh habang ang 13 iba pa ay mula sa Uttarakhang.

Napag-alaman na uminom ng alak na mayroong toxic methanol ang mga biktima dahilan para masawi ang mga ito.

Gayunman, walo katao ang inaresto ng pulisya dahil sa hinalang ang mga ito ang nasa likod ng panlalason, gayundin ang 35 opisyal ng gobyerno ang sinuspinde kabilang ang 12 pulis.

Samantala, marami umanong bumibili ng pekeng alak sa India dahil hindi kayang bumili roon ng mga simpleng mamamayan ng lisensiyadong brand ng alak.

Ang mga pekeng alak ay nilalagyan umano ng mga kemikal tulad ng pesticide.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page