2 yrs. na raw ang relasyon… LIZA, IPINAGSIGAWANG FOREVER NA SILA NI ENRIQUE


FINALLY ay inamin na rin nina Liza Soberano at Enrique Gil na “in a relationship” na sila more than two years ago pa.
Naganap ang aminan sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday sa gitna nang katakut-takot na sigawan at pagkakilig ng mga fans at maging ni Vice Ganda mismo.
Sa segment na KuryenTanong kung saan ay may aparatong lie detector na makukuryente ang artista kapag mali ang sagot, tinanong ni Vice ang LizQuen kung sila na ba.
Napaamin nang hindi oras si Quen at sey niya, “Yes.”
Sumigaw na nang malakas si Vice at pati na ang audience. Hindi na niya nagawang i-press pa ang aparato to know kung nagsisinungaling si Quen.
“Sapat na sa akin ‘yun, waaah!” sigaw ni Vice na may kahalo pang talon.
“Ang taray! Liza, kayo na palaaah!” sigaw pa rin ni Vice.
Ang siste, nasa audience din ang manager ni Liza (na dati ring manager ni Vice Ganda) na si Ogie Diaz kaya pati ito ay na-on-the-spot.
But it looks like alam naman nga ni Ogie ang tungkol sa relasyon at tawa lang nang tawa ang manager.
Hindi talaga maka-move on si Vice Ganda sa pag-amin ni Enrique at paulit-ulit niyang sabi, “Ang saya! Ang galing!” Biro pa niya, ang lie detector test daw ang pinakamagaling mag-interview sa lahat dahil sa dinami-rami ng nag-interview sa LizQuen ay wala silang inaminan kundi rito lang.
Ang sumunod na isinalang ay si Liza at ang tanong sa kanya ni Vice, “Matagal na kayo?”
Sabi naman ni Liza, “Define matagal.”
Sagot ni Vice, “More than two years.”
Nahihiyang “Oo” ang sagot ni Liza. Sigawan na naman.
Tuwang-tuwa at kilig na kilig si Vice pati na ang audience sa pag-amin ng dalawa.
Nang humupa na ang sigawan ay parang nahimasmasan naman ang LizQuen sa ginawang pag-amin at mukhang nabigla lang sila. Pero nang tanungin ni Vice kung happy sila sa mga sagot nila, “Oo,” ang kanilang sagot.
Humirit pa si Vice Ganda at itinanong kung ano’ng month naging sila.
“Wala nang year, month na lang,” sey ni Vice.
Sagot naman ni Liza, “October.” As expected, sigawan na naman ang mga fans.
Bago nangyari ang aminan ay tinanong muna ni Quen si Liza ng... “Sa tingin mo ba ay tayo na forever?” na sinagot ng aktres ng “Yes” at nagsasabi siya nang totoo dahil hindi siya nakuryente.
Masayang-masaya naman si Vice Ganda sa nangyari at sey nga niya pagkatapos ng aminan, “Tapos na ang interview, nakuha ko na ang gusto ko sa kanila.”
Well, medyo late man ang pag-amin ng dalawa dahil 2 years na pala sila, okay na rin. At least ay hindi naman katulad ng iba na break na bago natin nalaman na naging sila.





Comments