1 Patay, 1 missing sa dagat
LEYTE—Isang 15-anyos na dalagita ang namatay at nawawala naman ang kaibigan nito nang malunod sila habang naliligo, kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Bislig, Tanauan sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Shanley Panzo, samantalang, ang nawawala ay si Jessa de Paz, kapwa nakatira sa bayan ng Sta. Fe sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, naligo ang magkaibigan sa beach resort, pero napagawi sila sa malalim na bahagi ng dagat kaya nalunod ang dalawang biktima.
Sinikap pa ng mga saksi na iligtas ang dalawang biktima, pero bangkay na nang maihon si Panzo, samantalang, hindi pa rin nakikita sa dagat si De Paz.





Comments