MIGHTY SPORTS, BRONZE MEDALIST SA DUBAI STINT

NAKOPO ng Mighty Sports ang bronze medal ng Dubai International Basketball Championship pagkaraang talunin ang Homenetmen, 91-76, noong Sabado ng gabi sa Shabab Al Ahli Club sa Dubai.
Nagtala ng 19 points si Jett Manuel upang manguna sa Mighty Sports habang nag-ambag din si Randolph Morris ng 11 points at 6 rebounds para sa koponan.
Nakopo ng Mighty Sports ang kanilang pang-anim na panalo sa loob ng pitong laro sa torneo.
Nakuha ng Mighty Sports ang pangatlong puwesto nang mabawi ang kanilang pagkatalo laban sa Al Riyadi sa semifinals kamakalawa.
“Overall, the stint was a successful campaign. Although the fact that we were already so close, sayang lang talaga,” saad ni Mighty Sports coach Charles Tiu sa panayam sa kanya sa Dubai.
Gumawa ng 8 points ang dating NBA player na si Lamar Odom sa kanyang huling laro para sa koponan sa naturang kompetisyon.
Hindi nakapaglaro para sa Homenetmen si Walter Hodge na kumana ng 42 points sa kanilang paghaharap sa elimination round.





Comments