Kung si Vilma atat na Jessy…EDU AYAW PANG MAG-ASAWA SI LUIS
- BULGAR

- Feb 11, 2019
- 2 min read

KUNG si Vilma Santos ay very vocal sa pagsasabing naiinip na siya talaga na magkaroon ng apo sa panganay na anak na si Luis Manzano, it’s the other way around for Edu Manzano (Lucky’s dad).
Ani Edu, “Kasi naranasan ko rin kung gaano kahirap magpalaki ng bata. I really feel that they should be financially and emotionally prepared.”
Hindi pa ba emotionally and financially ready si Luis gayung ang yaman na nga nito?
“Pero you also have to look at the other mga connections. Jessy (Mendiola, Luis’ girlfriend) is also a very strong woman. I’m sure, kahit paano, she would also like to be financially independent and at the same time, be assured na maayos naman ‘yung pamilya niya,” he said.
Pero nakikita na ba niya na si Jessy na ang gustong pakasalan ni Luis?
“Well, nakikita mo naman kung gaano kasaya ‘yung anak ko, eh, you know. And nakikita ko sila, kasi nagdi-dinner kami, eh. Iimbitahin ko ng dinner (sina Luis and Jessy), tapos, whenever they’re with us, I mean, kahit si Enzo, si Addie (his other children), nandiyan si Jessy, nandiyan si Luis, lahat sila, nagkakasundo, eh.
“So, for a parent, maganda tingnan, masarap sa pakiramdam.”
Ayon pa kay Edu, ang gusto niyang gawin ni Luis ngayon ay magpahinga muna.
“Mas gusto ko sanang magpahinga siya. Stop and smell the coffee. Kasi, halos araw-araw siyang may trabaho, eh. Magpahinga, mag-isip sila, bumiyahe nang konti, be with a some serious talk,” ang payo ni Doods (tawag kay Edu).
Noong bata raw siya ay nangyari rin sa kanila ‘yan ng ex-wife na si Vilma Santos.
“Kaliwa’t kanan ang trabaho. Akala ko noon, eh, ‘yun ang sikreto ng isang magandang pamilya, kayod ka nang kayod. Kailangan lagi, financially secured. Little did I know, that’s not the solution sa lahat ng problema.”
Tulad nga ngayon, nagkasakit si Luis. Kaya nga sinasabihan daw niya ang anak to relax paminsan-minsan.
Nang tanungin siya ulit kung excited na ba siyang magkaapo kay Luis, ani Edu ay lolo na rin naman siya sa mga apo ng mga kapatid niya.
So, para ngang sinasabi ni Edu na ayaw pa muna niyang mag-asawa at magkapamilya ang kanyang panganay na anak.
Samantala, muling pinapasok ni Edu ang public service dahil tumatakbo siyang congressman ng San Juan. Kung sakaling mananalo, pansamantala raw siyang mamamahinga sa showbiz at hindi na muna gagawa ng proyekto dahil magpu-full-time siya sa pagiging public servant.





Comments