Inalok sa serye… RONNIE, 3 BESES INAYAWAN SI COCO
- BULGAR

- Feb 11, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

BALIK-PELIKULA si Ronnie Ricketts sa action movie na Exit Point na siya rin ang director at produced ng film company nila ng asawang si Mariz na Rocketts Media Productions.
All-out action ang pelikula na kinunan sa Subic at mala-Hunger Games ang story na tungkol sa buhay ng mga bilanggo.
Nagustuhan ni Vic del Rosario ang Exit Point nang mapanood ang trailer at nag-offer na ang Viva Films na ang magdi-distribute. Sa dalawang sinehan sa South Mall Park sa Muntinlupa gagawin ang premiere night at maraming imbitado si Ronnie.
“Matutuwa ang mga moviegoers na mahilig sa action, hindi sila madi-disappoint sa Exit Point, purong action ito. Pinaghandaan at inayos namin ang script at mga eksena. Hahangaan nila ang mga kasama ko rito, mahuhusay din sa action. May tiwala akong may audience pa ang action movie, kaya ‘yun ang ibibigay natin,” sabi ni Ronnie.
Introducing sa Exit Point ang 20-year-old daughter ni Ronnie na si Raechelle Ricketts na mahusay din sa martial arts. Bata pa, sumasabay na si Raechelle kay Ronnie mag-training ng martial arts, kaya hindi nahirapan sa action scenes niya.
May mga offers si Ronnie sa TV gaya sa Ang Probinsyano na three times nang nag-offer sa kanya na mag-guest. Hindi pa lang natutuloy si Ronnie dahil sa schedule, pero isa sa mga araw na ito, mapapanood na lang siya bigla kasama si Coco Martin, lalo na kung bibigyan siya ng maraming action scenes.





Comments