Ex-BF, 'di kawalan… KALAT NA: JULIE ANNE, IPINAGPALIT NA AGAD SI BENJAMIN


NATAWA lang si Julie Anne San Jose sa mga tsikang ang dali niyang pinalitan si Benjamin Alves dahil sila na ni Rayver Cruz ngayon.
“Close kami ni Rayver dahil magkasama kami sa Sunday PinaSaya at Studio 7. You can say that we are special friends. Okay na ‘yun. Nakakapagod ang may karelasyon. Now, I am free as a bird to go anywhere and can do anything na walang pagpapaalaman o iiwasang magselos,” sabi ni JASJ na obviously blooming and enjoys her single status to the fullest.
Nang mamatay ang dakilang ermat ni Rayver na si Mrs. Beth Cruz ay nakasuporta si Julie Anne sa binatang rumored boyfriend naman ni Janine Gutierrez. After all, what are friends for?





Comments