top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di lang tinawag na retokada at sinungaling… KATHRYN, ALAM NA ALAM DAW ANG PAGIGING TRAYDOR NI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

GRABE kung pagsalitaan ng isang netizen na nag­tatago lang naman sa isang alyas ang GirlTrends member na si Chienna Filomeno. Para bang kila­lang-kilala niya ang buong pagkatao ng aktres-dancer.

Nag-post si Chienna ng kanyang cur­vaceous body sa Instagram kung saan very confident siya habang naka-two-piece swimsuit sa beach.

Hindi nagustuhan ng isang netizen ang picture ni Chienna at binash siya. Sabi nito, ginagamit lang daw ni Chienna ang katawan kapalit ng pera.

Ang Instagram user ay may handle name na @lgbtquuu at kung anu-anong masasamang salita ang sinasabi sa GirlTrends member.

Ayon pa sa IG user, ipinagawa na raw ni Chienna ang lahat sa katawan nito ay hindi pa rin gumanda.

At ang pinaka-da height ng akusasyong ikinakalat niya sa IG, nakikipagtsuktsakan daw si Chienna sa Hash­tags member na si Zeus Collins sa parking lot ng ABS-CBN. Kita raw niya sa CCTV ang lahat at naghamon pa itong kung siya’y idedemanda ni Chienna, ipakikita niya ang CCTV footages.

Tinawag din niyang ubod nang sinungaling si Chienna at mahilig magtahi-tahi ng istorya.

“You know to yourself that you get paid for sex,” ayon pa sa Instagram user na dummy account lang naman at ayaw ilantad ang totoong pagkatao.

Maging si Kathryn Bernardo ay idinamay ng IG user. Alam daw ng aktres ang buong katotohanan na traydor si Chienna.

Pero nang nadamay na ang pamilya ni Chienna, saka na umalma ang dalaga.

Aniya, “Don’t you dare to include my family into this, especially my mom. You are sick in the head!! Make yourself believe want you want to, but never ever bring up my family. You coward!!!”

Ipinagtatanggol naman si Chienna ng kanyang mga kaibigan at ng 2M followers niya. Bakit daw hindi ilantad ng basher ang kanyang mukha? Sagot ng basher, pino­protektahan niya ang kanyang sarili.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page