Tulak pumalag dedbol
Pabs Hernandez III
Feb 10, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Imbunia, Sta. Rosa sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Mario Lictawa, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, aarestuhin sana sa buy-bust operation si Lictawa, pero bigla itong nanlaban at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Agad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments