top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Training center natupok, 10 tigok

Jersey Sanchez
Feb 10, 2019
1 min read

NASUNOG ang training center at lodging house sa Rio de Janeiro Soccer Club dahilan upang masawi ang 10 katao na kinabibilangan ng ilang kabataan sa Brazil.

Bukod sa mga nasawi, mayroon pang tatlong kabataang nasa edad 14 at 15 ang nasugatan kung saan ang isa rito ay nasa kritikal na kondisyon.

Gayunman, nasunog ang Ninho do Urubu State of the Art Training Center.

Nahirapan umano ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil sa laki ng apoy.

Ayon sa isang manlalaro, nasunog ang air conditioning unit sa kanyang silid kaya agad siyang tumakbo palabas.

Napag-alaman na wala umanong permit ang naturang gusali.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page