Nanlaki ang mga mata nang mag-two-piece si Bianca… BIGUEL FANS KAY RURU: EPAL KA, USER AT PABIDA!
- BULGAR

- Feb 10, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NAKATIKIM ng galit ng fans nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix si Ruru Madrid dahil nag-post ng emoji na gulat at nanlalaki ang mga mata bilang reaction sa post ni Bianca sa Instagram (IG) ng picture niya na naka-two-piece swimsuit.
Hindi nag-comment si Ruru, emoji lang ang reaction, pero tinawag na siyang “epal” ng BiGuel fan. Lalo sigurong nagalit ang fan kung nag-comment si Ruru dahil mainit ang dugo sa kanya ng BiGuel fans sa pagkaka-link niya kay Bianca.
In fairness, hindi lang si Ruru ang nag-react kundi marami pang Kapuso actors ang nag-comment, pero hindi nagalit sa kanila ang mga BiGuel fans. Mabuti na lang at hindi pala-patol si Ruru sa mga bashers kahit inasar na siyang walang panama kay Miguel, user, pabida at inutusan pang itago ang relasyon nila ni Bianca kung meron na dahil pareho silang may show.
Ka-react-react naman talaga ang picture ni Bianca kahit nakatalikod dahil kita pa rin ang kaseksihan sa maliit na waistline at sexy swimsuit. May nag-akala pa ngang Photoshopped ang waistline at arms ng aktres dahil sexy.
Anyway, aksidenteng nag-lips-to-lips sina Bianca at Miguel habang guests sa Artist Tambayan to promote Sahaya. May game sila na ita-transfer ni Miguel ang piece of paper sa lips ni Bianca, kaso nalaglag ang papel kaya swak ang lips ni Miguel sa lips ni Bianca. Ayun, tuwang-tuwa ang mga BiGuel fans.
Samantala, nag-dance workshop na sina Miguel, Bianca at Jasmine Curtis-Smith para magampanan nang tama ang kanilang karakter sa Sahaya. Nag-aral na rin sila ng kultura at tradisyon ng mga Badjao at sina Bianca at Miguel, may free diving lessons pa.





Comments