Most wanted nasakote
Pabs Hernandez III
Feb 10, 2019
1 min read
PAMPANGA—Isang most wanted ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Lakandula, Mabalacat City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Aaron Vijar, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya si Vijar sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ito ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments