Karla kumanta… ROBIN, TULAY KAYA NADALAW NI DANIEL SA KULUNGAN ANG PADIR
- BULGAR

- Feb 10, 2019
- 1 min read

ONE thing pala kung bakit very close si Karla Estrada kay Robin Padilla ay ‘di lang dahil ito ang nagbigay ng unang kotse ni Daniel Padilla nu’ng nag-uumpisa pa lamang ito sa showbiz kundi dahil si Binoe rin ang naging instrumeno kung bakit nagkalapit muli si DJ (Daniel) at ang tatay nitong si Rommel Padilla.
Kuwento ni Karla, “Nu’ng around 3 years old pa lamang si DJ, nasa bilangguan noon si Rommel.”
The reason wasn’t clear to us kung bakit nakabilanggo noon ang tatay ni DJ. Minsan daw, pumunta si Robin sa bahay nila at isinama sila nito upang madalaw ni DJ ang kanyang ama. It was the first time DJ saw his father. Kaya mangiyak-ngiyak si Karla sa pag-reminisce ng memory na ‘yun. Dahil sa kahirapan, may panahon pa raw na tumira sila sa bahay ni Robin somewhere in Fairview, QC.





Comments