top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sey ng experts... HINDI PAGSE-SHAVE, NAKAGAGANDA NG BODY TEMPERATURE!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9, 2019
  • 2 min read

MARAMI sa atin ang gumagastos pa ng mahal para lang magpa-shave, pero knows ba ninyo na ang hindi pagse-shave ay nakaga­ganda umano ng body tem­perature? Weh, ‘di nga?

Ayon sa mga eksperto, ang hindi pagse-shave ng balahibo ay kering maka-prevent ng skin infection, ito ay dahil sa tuwing nagse-shave ang indibidwal, gumagamit sila ng ma­tatalas na bagay na maaaring makasugat sa balat kung saan dito nag-uumpisa ang pagpasok ng iba’t ibang bakterya, gayundin ang nana. Tsk!

Gayunman, sa pag-aaral na nai-published sa Journal of the Royal Society of Me­dicine, ang pag­kakaroon ng balahibo ay nakare-release umano ng pheromone na nakaa-attract sa tao, ibig sabihin, para sa kalalakihan, mas lumalakas ang ap­peal ninyo kung may­roon kayong bi­gote o balbas.

Dagdag pa rito, kung mapa­pan­sin ninyo, tumataas ang ba­la­hibo natin sa tuwing nakararamdam tayo ng panlalamig kung saan ayon sa BBC ang balahibo ay nakatutulong para magkaroon tayo ng regular na body temperature, kaya hindi ipinapayo ng mga eksperto na mag-shave tayo kapag mainit ang panahon.

Maliban pa rito, kung hindi tayo magse-shave ay maii­wasan natin ang pagkakaroon ng chicken skin na kinaiinisan ng kababaihan lalo na sa kanilang kilikili.

Sa usapang mag-asawa naman, knows ba ninyo na mas oks daw na makipagtalik nang hindi nagse-shave? Ito ay dahil ayon sa health.com ang pag-aahit ng pubic hair ay nakare-reduce ng sensation habang kayo ay nagtatalik, kaya mga mamshie at papshie, alam n’yo na, ha?

Oh, mga beshy, make sure na pag-iisipan nin­yong mabuti kung magse-shave kayo o hindi nang sa gayun ay hindi kayo magsisi sa huli. Iwas na rin sa pangangati lalo na kung patubo na itong muli, ‘yun lang!

Kaya mapa-legs, kilikili o baba man ‘yan, beshy, dapat mag-iingat pa rin tayo, okie?

He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page