Pusher todas sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Feb 9, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Fernando Sur, Cabiao sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Joel Hipolito, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Hipolito sa drug-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Nabatid na agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments