top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pag-IBIG Fund, na-reach ang Php70 billion mark noong 2018

Thea Janica Teh
Feb 9, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Halos Php75.31 bilyon ang nailabas ng Pag-IBIG Fund mula sa Php65.13 bilyon noong 2017 para sa home loan. Record breaking ang 2018 dahil sa kabi-kabilang pasabog ng Pag-IBIG Fund para sa kanilang miyembro!

90,375 miyembro ang nabigyan ng kanilang pinapangarap na bahay, 12% higher mula sa 80,964 noong 2017. Mula rito ay 21,389 o 24% ang para sa socialized housing unit na naibigay sa mga minimum-wage at low-income earner.

Ibinahagi ni Housing and Urban Deve­lopment Coordinating Council (HUDCC) at Pag-IBIG Fund Board of Trustees Secretary Eduardo del Rosario na pinakamagandang taon ng Pag-IBIG Fund ang 2018 dahil sa record-breaking disbursement sa home loans. Halos 16% ang itinaas at namarkahan ang Php70 bilyon mula noong 2017. Ito rin ay tatlong taong sunud-sunod na achievement ng Pag-IBIG Fund dahil sa double-digit growth na ibinabahagi sa mga miyembro nito.

“36 taon natin itong hinintay bago ma-reach ang Php50 billion mark noong 2016 at sa loob lamang ng isang taon, Php10 bilyon agad ang itinaas. Patuloy lamang ang pag-angat ng Pag-IBIG Fund, lalo na’t ito ay para sa ating lahat na nangangarap magkaroon ng sariling tahanan”, bahagi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.

Mula sa Php95.02 bilyong naabot ng Pag-IBIG Fund noong 2018, halos 108,012 pamilya ang nakinabang dito. Kabilang dito ang Php19.71 bilyong pending for release sa 17,637 homes. Ito ay aprubado na at hinihintay na lang ang mga miyembro na magpasa ng requirements.

Lubos na nagpapasalamat ang Pag-IBIG Fund sa patuloy na pagsuporta ng mga miyembro nito. Bunga ang napakaraming outstanding achievement noong 2018, sigurado ang Pag-IBIG Fund na ang rate ng loan ay mananatiling mababa kasama na ang housing interest rate para makamit ng bawat miyembro ang inaasam na bahay.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page