top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nasa tamang edad na raw… KASALANG DANIEL-KATHRYN, APRUB NA KAY KARLA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2019
1 min read


FOR sure, magbubunyi ang mga KathNiel fans dahil sa sinabi ni Queen Mother Karla Estrada na wala siyang tutol kung sakaling pag-usapan na nga ng kanyang anak na si Daniel Padilla at ng long-time GF nitong si Kathryn Bernardo ang kasal.

O, ‘di ba, ‘di baaah kumalat na nag-propose na kuno si Daniel kay Kathryn habang nag­babakasyon sila sa Japan? Pero sabi nga ni Kathryn ‘di naman daw totoo ‘yun.

Nang si Karla naman ang matanong sa isang recent interview, sabi nito, “Okay lang, wala naman akong… (tutol). Right age na sila, pero ‘yun nga ang sinasabi ko, right maturity na ba? Nasa tamang desisyon dapat dumating lahat ‘yan. Hindi naman parang hiniram mo lang, tapos puwede mo isoli after.”

Pero naniniwala rin si Karla na ano’t anuman ang maging desisyon ni Daniel, hihingi pa rin ito ng advice sa kanya dahil pinalaki niya ang mga anak na marespeto.

“Alam naman niya ‘yun na hang­­ga’t buhay ako, hihingi pa rin siya ng advise sa akin,” sey ni Queen Mother.

So, alam na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page