INTER STATE VERSUS ALWAYS READY SA WTA
- Green Lantern
- Feb 9, 2019
- 2 min read

AALAGWA ngayon ang siyam na karera na magtatagisan ng bilis at galing ang mga kalahok sa 2019 Philracom rating based handicapping system sa Additional One Win sa Group Races sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite.
Dalawang Winner-Take-All (WTA), ang magaganap kasabay ng Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Sa Race 1, magaganap ang 1st.WTA event at paglalabanan ng siyam na mananakbo, nakalalamang ang entry No,1 at makakalaban ang Cassie Dear, Amelia at Fly Like An Eagle sa buwenamanong PHILRACOM-RBHS Class 4.
Magpapagalingan ang mga kalahok sa 3-Year Old Group Race 7 at napipisil ko ang Inter State at Always Ready sa Race 2. Sa 2nd WTA event sa Race 3, magaganap ang laban sa 3 Year Old and Above Maiden Race at magkakasubukan ang mga kalahok na Bond’s Mission, Princess Alessi at Valley Cat.
Nakalalamang ang couple entry na Nicole Toys at Warrior Flame habang makakatunggali ang Digame sa Race 4 na simula nang Pick 6 event. Patok ang Ava’s Dream sa Group Race 7 at makakalaban ang Divine Zazu at Pagkakataon sa Race 5 na panimula ng Pick 5. Tatlong kalahok na Batang Heroes, Rock the Face at Bato ang nakikita kung maglalaban sa 3 Year Old and Above Maiden Race sa Race 6.
Sa Race 7 mahigpit na maglalaban ang Tenseventeen, Pangarap at Reigning Jewel sa Group Race 11. Magaganap muli ang Philracom-RBHS Class 5 sa pagitan ng mga kalahok na Ainna’s Victory, Peregrino, at Salinas sa Race 8. Magsisilbing paratingan sa 9 ang Exceptional Gee at Can’t Rule Out habang magsisilbing kalaban ang Sierra Lanes at Wild Talk.
Tip ni Mang Ding Race 1- Entry No. 1 Cassie Dear (5) Amelia (4) Race 2- Inter State(3) Always Ready (5) Race 3 - Bond’s Mission(2) Valley Cat(8) Race 4- Entry No.4 Digame (6) Race 5- Ava’s Dream(2) Divine Zazu(5) Pagkakataon(7) Race 6-Batang Heroes (2) Bato (8) Rock The Face(5) Race 7- Tenseventeen) (1) Pangarap (6) Reigning Jewel (7) Race 8 - Ainna’s Victory (4) Salinas (5) Race 9- Exceptional Gee(5) Can’t Rule Out(3) Entry No. 7.





Comments