top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

19-YEAR OLD VINLUAN, DINISGRASYA ANG IM’S SA ICHTHUS BLITZ CHESS

Eddie M. Paez, Jr.
Feb 9, 2019
1 min read

NABALEWALA ang mga titulong nakadikit kina International Master Ronald Bancod, IM Ronald Dableo at National Master Rudy Ibanez nang maitakbo ng isang untitled chesser sa katauhan ng 19-taong-gulang na si Gever Brylle Vinluan ang kampeonato ng 5th ICHTHUS Blitz Chess sa BGC, Taguig.

Humakot si Vinluan ng anim na panalo at isang draw mula sa 7 rounds ng bakbakang umakit ng 80 apisyunado ng blitz chess upang selyuhan ang pag-angkin sa korona. Isang makinang na 2416 ang kanyang naging performance rating bagamat ang kanyang International rating ay nasa 2023 lang.

Kasama sa mga nadisgrasya ng binatilyong kampeon sina IM Bancod (round 6), Randolph Tinsley Relos (round 1), Rohanisah Buto (round 2), Jason Rojo (round 3), Ismael Patrick Credo (round 4) at Norvin Gravillo (round 7). Ang tanging draw ay nakuha ni Vinluan mula kay Angelo Vince Medina noong magkaharap sila sa panglimang round. Kalahating puntos sa likod ni Vinluan ay ang tatlo-kataong pulutong na binubuo nina Gravillo, Ibanez at Jason Rojo. Nang pairalin ang tiebreaker, pumangalawa si Gravillo habang naisalba ni Ibanez ang huling baitang sa podium. Ang mga pre-tournament favorites na sina Bancod at Dableo ay umokupa lang ng pang-anim at pampitong puwesto ayon sa pagkakasunod-sunod samantalang ang walong taong gulang na si Al Bashir Buto ay tumapos sa pang 25-posisyon dahil sa apat na panalo at tatlong talo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page