1 dedo, 1 sugatan sa concrete barrier
CAMARINES SUR—Isang rider ang namatay at sugatan ang angkas nito nang aksidenteng bumangga sa concrete barrier ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Sta. Elene, Buhi sa lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Nathaniel Ibarlin, samantalang, ang sugatan ay si Mark Valladores, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Ibarlin sa pagmamaneho ng motorsiklo habang angkas si Valladores kaya bumangga sila sa concrete barrier.
Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Ibarlin.





Comments