Wanted na pusher timbog
Pabs Hernandez III
Feb 8, 2019
1 min read
BOHOL—Isang wanted drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Poblacion 3, Tagbilaran City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Robert Bete, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Bete.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments