Swine flu sa Japan, kalat na
PATULOY na kumakalat ang kaso ng swine flu sa Japan.
Ayon kay Japanese Farm Minister Takamori Yoshikawa, “extremely serious” ang sitwasyon dahil limang central areas at western prefectures ang apektado sa bansa.
Gayunman, bumuo ng special task force sa Gifu Prefecture, Japan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Samantala, kumalat na sa mga farm sa Aichi, Osaka, Shiga at Nagano ang swine flu na nagsimula sa Gifu.
Noong Miyerkules, nagsagawa ng cabinet meeting upang masolusyunan ang kinahaharap na problema sa bansa.
Batay sa tala, aabot sa 15,000 baboy ang nakatakdang patayin dahil apektado ng nasabing sakit.





Comments